RSS

Roller Coaster of Feelings

06 Aug

Uhm so yeah. I’m baack. It’s been a while. I think my last post was from last May pa. At madalas ng post ko puro tungkol sa Dragon Nest pa. Haha. Pero meron din namang mga makabuluhan don. Haha. Nagstop na ko maglaro nung nakaabot na ko ng Lv. 70. Tinamad na rin ako magblog kaya ayun, matagal tagal din akong di nakapagblog. :))

Anyway, going baaaack. I just got home. San ako galing? Galing ako ng…..

Caleruega, Nasugbu, Batangas

Retreat kasi naming mga 5th year students. First batch ang sections 1 to 4.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
WARNING: SOBRANG HABA, MEJO CLINGY, AT MEJO DEAR DIARY
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

I. KWENTONG PRE-RETREAT

The night before the retreat I was bothered with something. Hanggang madaling araw ako nagiisip. Di ko matapos tapos ang retreat letters dahil dito. Ewan ko ba. Bakit kasi pag may dalawang kang gusto, minsan e kelangan isa lang dapat piliin? Hindi bang pwedeng dalawa? Ang sagwa pakinggan. Don’t worry di to lovelife. Hahahaha.

Halimbawa, ang ulam na nakalapag sa mesa pag breakfast e Bacon at Sausage tapos pinapapili ka lang ng isa. Bakit kelangan papiliin ka? Hindi ba pwedeng both? PAREHAS NAMAN KASING MAKAKATULONG SAYO YAN DIBA?

Ewan. Hanggang ngayon, pinagppray ko parin to. My heart is in disarray. All throughout the retreat, may malaking burden ako. Tawa na lang ako. :))

Mejo rant-ish ang dating. Nevermind this. Move on na kayo sa kwentong actual retreat. Haha.

II. KWENTONG ACTUAL RETREAT

Breakfast – Snack – Lunch – Snack – Dinner

Sa dinami dami ng kainan moments namin, di parin ako nabubusog. Haha. Sobrang sarap kumaen. After ng isang session ng mabigat na kainan, excited ulit ako sa susunod na kainan. Mejo PG pakinggan pero ayun. Sarap kasi talagang kumaen eh. Haha.

First night may iyakan na. Aba. E ako sobrang babaw talaga ng luha ko. Lalong lalo na pag tungkol sa parents. Ay grabe, nung sinabi ni Migs yung tungkol sa pagtreasure ng time with parents. Ayun iyak ako. Haha. Saglit lang naman. I controlled myself. Weird pakinggan pero basta. Haha. Minsan kasi ang OA ng emotions natin at minsan, ayun, nagpapadala tayo masyado.

Mixed feelings ng gabing yon. Lahat kasi nagsalita. Yung mga taong bilang lang sa kamay kung ilang beses na kami nagusap, nagkwento ng buhay nila. First, sobrang saya. I got to know more about these people na kasama ko na sa loob ng dalawang taon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Oops putol kwento. May sh-share lang ako. Section 5A4 pala kami. Since 3A4 pa lang e sila na kasama ko. Nung una ayoko talagang malipat ng section. I’m from 2A1 nung 2nd year ako and ayun, nung nareshuffle na e sa 3A4 ako napadpad. Ayoko talaga malipat nun. O kung may lipatan mang magaganap dapat buo parin ang 2A1. Haha. Mahal na mahal na mahal ko talaga ang mga repa ko from 2A1. We had our differences of course. Iba’t ibang kultura din ang kinagisnan namin. Pero yung galawan kasi namin is always as a class. For the betterment of all ika nga, at may feeling of unity talaga. Ewan ko kung mejo OA ako magkwento o bias at clingy ako masyado sa 2A1. Hahaha.

From 2A1, 4 kaming nalipat sa 3A4 – Zyra Quirong, Kate Tud, Hershei Tanglao. Sa AMV kasi madalas na alphabetical (by surname) ang seating arrangement. Having Aurelio as my surname, ang tropa ko nun edi yung mga may apelido na A din or B. Pwede rin mag-branch out hanggang F siguro. Mga tipong hanggang 2nd row lang. Hahaha. Ayun, edi nganga. Yung mga kasama kong lilipat ng 3A4, e galing sa likod na part ng klase. Ibig sabihin silang tatlo magkaka-tropa na, ako ‘friend’ lang. I cri. Haha. Siyempre kelangan maging tropa ko yang tatlo. Kami na nga lang ang magkakasama from 2A1, tapos di pa magiging tropa? Ayun. Ngayon, sobrang clingy na naming apat. Words cannot describe kung gano na kami ka-clingy.

Balik sa 3A4. Ayun, tropa na nga kami ni Kate, Zy, at Shei. From those 3, lumaki ang circle of friends ko sa room. Dumating sa picture ang Team DL, at VGmates. Tight na rin kami neto ngayon. At basically, I was friends with everyone – mga simpleng good morning, hi, ngiti, pagtango (basta yung nod or angas na ginagawa naming mga lalaki) at mini conversations paminsan minsan. Hanggang 4A4 ganyan ang setting ng buhay ko with them. Ganito rin ang setting ko with 2A1 dati. IMHO, it is impossible to be super close with everyone sa isang room na may 40+ na estudyante. Usually, may grupo grupo yan at ayun nga as I’ve said earlier, normal friends na lang ang tingin sa iba. Imperfect, yes. Di mo tropa lahat eh. But this kind of setting is the best for me. SO AYUN, BASICALLY MINAHAL KO NA RIN ANG 4A4. Nagkaron ako ng onting tampo or galit sa kanila nung GA. Aba, sila kaya ang mag-imbe-imbento ng gagawin tas late sa practice kasi nagdota or samting. Hahahaha. Sa boys talaga uminit ang ulo ko nun. Petty. Immaterial. MAHAL NA MAHAL KO NA TONG MGA ‘TO.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Balik sa kwentong retreat. Ayun. Yung mga di ko kilala masyado, e nakilala ko pa lalo. To my surprise, grabe yung mga kwento nila. Which brings me to… Second, nalungkot or bothered or convicted or guilty ako. Siyempre, nung una di ko naman talaga gusto lahat. May mga prejudices and all. Pero nung 4th year e wala na kong problema sa kanila. Sinasabi ko to and all dahil nakapagsorry na ko sa kanila. And natutunan ko na ang lesson from this happening. Nung narinig ko yung mga kwento nung mga taong hindi ko gusto nung una, natulala ako. Na-judge ko na sila simu,a’t sapul pa lang without knowing a thing about them. As in grabe. Mga 2 mins siguro akong literally na nakatulala.

After nung first night. Mas minahal at mas na-appreciate ko pa lalo ang 5A4. Kung kaya ko lang isa isahin mga kwento nila eh. I’m not very good at expressing myself, mapa oral or written man yan. I have very poor choice of words. Sobrang simple lang talaga ng pananalita ko. Haha. Kung pasusulatin siguro yung iba, mas naexpress at nakwento pa siguro nila kung gano kagrabe yung feeling nung gabi na yon. Sabi ko sa sarili ko, eto na ang simula ng deep bonding at appreciation namin sa isa’t isa.

Quiet time before matulog. James and Jude ang binasa ko that night. Mejo ironic kasi inuuna ko yung mga may onting chapters. Haha. Pero ayun. Sobrang timely nung Word that night. God’s timing is perfect talaga. He is never late.

James 2:1-4 NIV

My brothers and sisters, believers in our glorious Lord Jesus Christ must not show favoritism. Suppose a man comes into your meeting wearing a gold ring and fine clothes, and a poor man in filthy old clothes also comes in. If you show special attention to the man wearing fine clothes and say, “Here’s a good seat for you,” but say to the poor man, “You stand there” or “Sit on the floor by my feet,” have you not discriminated among yourselves and become judges with evil thoughts?

Be not quick to judge. Ayan ang inimpose sakin ni Lord. Plano ko na magsorry dun sa mga taong yon kinabukasan. Tatlo sila actually. Di ko na sasabihin kung sino sila. Haha. Surprisingly, napakaperfect nung activity namin dun sa isang session. Yung ikutan activity thing, na you have to say kind words sa matatapatan mo. Yung dalawa sa kanila nakausap ko dun. Though sobrang saglit lang dahil 1 minute lang ata or so, nasabi ko naman na ata ang dapat kong sabihin sa kanila. Hindi nakamake ng full turn yung ikutan at di ko nakausap yung isa pa. After nung activity, hinanap ko talaga siya and ayun kinausap ko na rin siya. Ang sarap sa feeling. You made things right with people you have offended. In the process, naging kaibigan ko na rin sila. Ayos!

Sa ibang usapan, going back sa ikutan activity thing. Grabe yung mga nasabi sakin. Di ko akalain na ganun na pala ang tingin nila sakin. Lalo na dun sa mga taong hindi ko close. Grabe talaga. Sobrang naoverwhelm ako that time. Ang daming positive feedbacks. Ganun din sa mga retreat letter. Nakakabless! Sobrang napa-thank you na lang ako sa kanila at siyempre pati kay Lord. He’s doing His good work in me. Nakakabless na somehow nabbless ko na rin pala ang ibang tao.

Natutunan ko dito na I always have to let my light shine. Sometimes, we think our presence is insignificant. Di lang naman ako siguro ang nakakaramdam ng ganito. Yung tipong, feel mo na isang maliit na tuldok ka lang naman sa buhay ng isang tao. Pero hindi pala ganun. No matter how insignificant you think your presence is, may impact parin yan sa ibang tao. Akala mo walang nakatingin or nakaka-appreciate sayo pero meron naman pala.

Intermission number. Jump na naman sa ibang topic. Retreat letters. Special mention to Trish Florendo at Alyssa Aquino. Trish, sobrang unexpected nung sayo. Di ko akalain na mabibigyan mo pa ko. Huehue. Aly, yung sayo din. Di talaga ako nagexpect. Missyou! Kitakits sa services.

III. KWENTONG POST RETREAT

More of end of retreat rather than post retreat eto. Basically, after ng 2nd day tapos na ang lahat ng dramahan. Nung gabing yun. Wala ako sa mood. Ewan ko ba. Di ko maexplain. Ako kasi, I think alot of things. Yung iba worth thinking. Pero yung iba, petty lang pero malakas tama sa emotions. Nasabi ko nga kanina na minsan ang OA talaga ng emotions natin. I’ve been there eh. Haha.

Ako kasi, ayoko rin nakakaapekto ng ibang tao. Kaya as much as possible, I act the opposite of what I’m feeling. Madalas nakikita niyo kong kengkoy. Pero pretend lang yun. Hahaha. Hindi naman lahat. Kengkoy naman talaga kasi talaga ako. Ang emo pakinggan pero it’s okay. Somehow naayos din naman. Etong moody phase ko, dumadalas, at mejo alam ko na ang cause. Kaya mejo okay na rin kahit papano. Haha.

That concludes my experience sa retreat na ito. Ang dami ko pa sanang gusto ikwento pero gutom na gutom na talaga ako eh. Dinner dinner din. Hahaha.

image

image

 
 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: