RSS

Blessed to be with blessed people!~ = w =

02 May

nltf

 

Last April 27, 2014 was Youth Sunday. Siyempre, as the name implies, youth ang in-charge sa mga bagay bagay. From ushering, to communion, and everything. Ang theme is Preppy Summer (Tama ba spelling? Hahaha. Bayaan niyo na). And since youth sunday nga, the youth prepared a dance performance. Siyempre kasama ako. Naks. Thank you Lord for the privilege of dancing for You.

A few weeks back, sumali ako sa dance workshop ng youth. Ang nag-invite sakin is si kuya James Ryan Fernandez Duque, my lifegroup leader (Oha, buong buo ang name mo kuya James. Haha). Open for all youth yung workshop. Last year kasi ininvite na ko ni kuya James na sumayaw. Unexpectedly, nagkaroon ng dance competition sa JPIA kaya di na ko nakaka-attend ng practice. Kaya ayun, di ako nakasali sa sayaw ng youth. Honestly, malaki yung regret ko nun dahil di ako nakasayaw for The One who gave me this talent (Though, di ako kagalingan). Sabi ko, “Lord, promise, next time sasayaw na talaga ako for You.”

Partly kaya ako sumali sa workshop is to meet and know the youth. Ang Youth Jam (service for the youth) kasi during Saturdays lang. Eh may Computer Laboratory class kami every Saturday afternoon. Kahit anong gawin ko di ako makakahabol sa Youth Jam. So, I never had the chance to meet and make friends with the youth, kahit sa lifegroup namin. Haha.

Back to the workshop. Siyempre, nung dance workshop, I wasn’t really expecting na sasayaw na agad kami. Of course, kilala ko na si Coach Miah that time dahil siya rin yung coach last year. Ang problema, NI ISA SA YOUTH, WALA AKONG KILALA. Ang malala pa nun, wala si kuya James, kaya wala akong makausap masyado, except kay Kevin, na ka-lifegroup ko, na bago rin sa workshop. Haha. At the end of the first workshop, Coach Miah made the newcomers introduce themselves. Name, Year, and School. Mejo marami rin kaming bago. Nung nagpakilala na ko, I felt old. 5th year na ko. Hahaha. That night, may mga nakilala na ko. Mga 5 ata sila.

Tapos ayun, workshop na every Tuesday and Thursday. Okay ang youth, they are very warm and welcoming. Siyempre I had a hard time adjusting. Ibang culture na ‘to eh. Pero ayos naman, ka-vibes ko naman sila. Hahaha.

A week before Youth Sunday, tinawagan ako ni kuya James na sasayaw daw kami sa Sunday. Siyempre, di ako makapaniwala, kakagising ko lang nun eh. Hahaha. Sabi ko, “Lord, eto na ‘yun! Iba ka talaga”. Everyday na kami nag-mi-meet to practice. Finally, nung last day (Saturday, April 26) NAKILALA KO NA LAHAT NUNG SASAYAW ON SUNDAY. Oo, mejo nakakahiya na sobrang tagal kong nalaman mga names nila, pero mas nakakahiya kung sinabi na nila names nila, tas nakalimutan to, tas tatanungin ko ulit, kaya ayun I had to observe them and remember what they call each other. Hahaha.

The people above, sila ang mga nakasayaw ko. They call themselves “The Core”. Sobrang nakaka-bless lang to be with these people. Practicing, laughing at corny jokes and puns, eating, lahat lahat! Sobrang thankful lang ako kay Lord na I had the chance to be with these people, using the talent that He gave to us, for His greater glory.

I danced in 5 out of 6 services. Sobrang nakakapagod pero sobrang worth it, knowing that you danced for Him together with the people you love.

 

ISRAEL, JHONG, CARLOS, ANESSA, TINA, FAITH, BEA, PAM, RUTH, APRIL, DANI, CHE, KUYA JAMES

Lord, thank you for the lives of these people. I know that it wasn’t an accident that I got to meet them, laugh with them, eat with them, and dance with them. I know that meeting them is part of Your plan in my life. Bless them more and more.

Indeed, I AM BLESSED TO BE WITH BLESSED PEOPLE!~

#DumDum #BreathInBreathOut

 

P.S. Thank you ate Sendy sa pizza.😀

P.S. #2. Di lang yung mga sumayaw kung kilala ko ha. Kilala ko na rin yung ibang youth. Haha. In time, makikilala ko na rin lahat.😀

 
 

Tags: , , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: